Sunday, July 22, 2007

1 pa militante, patay

Ulat ni Bonsai Fojas
MONDAY · July 23, 2007

ISA na namang miyembro ng militanteng grupong Anakpawis ang pinatay ilang araw matapos paslangin ang chapter president nito sa Tacloban City, Leyte.
Kinilala ang nasawi na si Rogelio Randy Picoy, 30 anyos, miyembro ng Philippine Guardians Brotherhood Incorporated (PGBI) at sinasabing police asset.
Namamalengke umano ang biktima dakong 5:30 ng madaling araw sa palengke ng naturang lungsod ng biglang inatake ng apat na hidi nakikilalang kalalakihan.
Ang insidente ay nagbunsod din para mabaril at masugatan ang isang tindera na nakilalang si Teresita Cadena.
Itinuro naman ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran ang militar na nasa likod ng pamamaslang sa kanilang mga miyembro.
Noong Miyerkules (July 18), pinagbabaril din ng mga hindi nakilalang salarin si Charlie Solayao, presidente ng Anakpawis Tacloban Chapter.
Powered By Blogger