Sunday, July 22, 2007

Harina galing China, may formalin din?

Ulat ni Carlo Gonzales/Jacqueline Mica Kishida
MONDAY · July 23, 2007

HINDI lang kendi at iba pang pagkain, at mga cosmetic products ang dapat suriin ng Bureau of Food and Drugs (BFAD) kundi ang mga harinang ipinapasok din ng bansang China.
Ayon kay Jess Aranza, Presidente ng Federation of Philippine Industries Inc., dapat ding ituon ng BFAD ang kanilang pagsusuri sa mga sangkap na ginagamit sa pagluluto tulad ng harina.
Dagdag nito, maraming harina ang pumapasok galing sa China at malaki umano ang posibilidad na kontaminado rin ito ng kemikal na hindi angkop for human consumption.
Mahalagang masuri ito dahil pangunahing sangkap ito sa paggawa ng tinapay.Samantala, hindi babawiin ng BFAD ang nauna nitong advisory na nagbabawal sa publiko na bumili ng White Rabbit Cream Candy, Milk Candy, Bairong Grape Biscuit at Yongkang Foods Grape Biscuits dahil kontaminado ito ng sangkap na formaldehyde kahit pa nag-akusa ang Ministry of Health ng China na i-responsable ang nasabing advisory.
Powered By Blogger