Tuesday, July 24, 2007

Rambulan sa Senado, strike 2!

Ulat ni Jay Bustamante
WEDNESDAY · JULY 25, 2007

INAMIN kahapon (July 24) ni Senador Francis "Chiz" Escudero na apat silang mga senador sa oposisyon na may interes na masungkit at makuha ang makapangyarihang Senate Blue Ribbon Committee ng Senado.
Hindi aniya dapat mapunta sa administration senator ang nasabing komite para maging masusui ang imbestigasyon sa mga kontrobersiyal na isyu.
Nabatid na bukod kay Chiz, interesado rin sina Senador Panfilo Lacson, Aquilino Pimentel Jr. at Alan Peter Cayetano sa nasabing komite.
Ayon kay Escudero, okey lang umanong hindi ito mapunta sa kanya, basta isa sa opposition senators.
Tiniyak din nito na mananalo ang panig ng oposisyon pagdating sa botohan sa plenaryo ng Senado dahilan sa mas lamang ang bilang ng oposisyon kumpara sa adiminstrasyon.
Inamin din ni Escudero na pabor din maging si Senator Villar na ang iuupong chairman ng Blue Ribbon Committee sa Senado ay manggagaling sa panig ng oposisyon.
Masusubukan muli ang oposisyon kaugnay sa nasabing isyu makaraang mahati ito dahil sa alitan sa kung sino ang iuupong "Senate President" kung saan pinagbintangan ni Lacson sina Senate President Manny Villar, Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada, Cayetano at Escudero na tumalon na sa bakod ng administrasyon.
Powered By Blogger