Wednesday, July 25, 2007

Bagong buwis nagbabadya sa P1.227-T budget proposal

Ulat ni Tim Calamba
WEDNESDAY · JULY 25, 2007

Nangangamba ang mga kritiko ng Pangulong Arroyo na baka pahirapan na naman ng bagong mga buwis ang karaniwang Pilipino.
“Are we to expect another round of new taxes and increases and charges, levies rates, duties and other fees of government services and transaction or are we Mrs. President going to borrow again?” pahayag ni Sen. Jinggoy Estrada.
Tiniyak ng Malacañang na walang bagong buwis at hindi rin mangungutang dahil ang inaasahan na pantustos ay ang P100 bilyon na inaasahang mapapagbentahan sa shares ng gobyerno sa San Miguel Corporation at Philippine National Oil Company-Energy Development Corporation (PNOC-EDC), ang kompanya ng gobyerno sa negosyo ng langis et enerhiya.
“There will be something that will be done by the BIR [Bureau of Internal Revenue] and the Bureau of Customs and then the difference can be covered by privatization which is part of the non-tax revenue," sabi ni Finance Secretary Margarito Teves.
Pero paalala ni Sen. Mar Roxas, dapat magdahan-dahan ang gobyerno at baka maibenta ang mga pag-aari nitong mas kapaki-pakinabang sa mga tao.
Ang dapat daw balikan ng gobyerno ay ang mga ahensyang hindi naman nagawa ang trabaho nilang kumubra ng tamang buwis.
Kampante naman ang Palasyo na may pondo para sa P1.227 trillion na panukalang budget para sa 2008.
Kasama doon ang P2.6 bilyon para sa computerization ng halalan.
Nais na maihabol ito sa 2008 Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections at 2010 presidential elections.
Magbubuhos din ng pera sa infrastructure, education, health, science at technology at housing.
Pinakamalalaki pa rin ang budget sa Department of Education (DepEd), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of National Defense (DND), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Agriculture (DA).
Ayon sa ulat, P30 bilyon ang inilalaang pampasweldo sa mga empleyado ng gobyerno habang P11 bilyon naman ang para sa salary standardization para maiparehas na ang sahod sa gobyerno sa sweldo sa pribadong sektor.
Sakaling maisabatas ang ihahaing panukala, maglalaan sila ng P75 bilyon taon-taon hanggang 2010.
Powered By Blogger