Sunday, July 22, 2007

4 senador, political mongrels –Lacson

Ulat ni Peter Araza
MONDAY · July 23, 2007

PEKENG oposisyon ang ibinansag kahapon ni Senador Panfilo Lacson sa apat nitong kapwa senador na sumanib sa administrasyon para mailuklok lang sa Senate presidency si Manny Villar.
“They will always be remembered as political mongrels who turned their backs on their colleagues and helped compose the new majority bloc in the Senate in collaboration with mostly administration senators,” diin ni Lacson.
Bagaman hindi pinangalanan ni Lacson ang apat na senador, halatang pinasasaringan nito ay ang mga bagitoni sina Senador Francis “Chiz” Escudero, Alan Peter Cayetano, datihang senador Jinggoy Estrada at Villar.
Sinabi ni Lacson na kahit ano pang gawin ng mga ito para patunayan na sila ay oposisyon, wala pa ring maniniwala dahil lumabag ang mga ito sa isang agreement na ang lahat ng oposisyon na senador ay susuporta bilang isang united bloc, subalit hindi ito nangyari.
Binigyang diin ni Lacson na ang mga senador na ito ay hindi base sa individual personalities kundi sa kanilang affliation sa political opposition.
Powered By Blogger