Sunday, July 22, 2007

4 Abu Sayyaf, 12 pa nakapuga

Ulat ni Carlo Tirona
MONDAY · July 23, 2007

UMAABOT sa 16 katao, kabilang ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group ang nakapuga sa Basilan Jail kahapon (July 20) ng madaling araw.
Nakilala ang apat na puganteng Abu Sayyaf na sina Heting Askalin, Enteng Anjil, Abu Sampan at Wakil Sampang.
Nabatid na sa pagitan ng alas-2 hanggang alas-4 ng madaling-araw naganap ang jailbreak.
Iniimbestigahan na ng pulisya kung paano nagkaroon ng lubid sa loob ng selda sa Basilan jail.
Pinagtali-taling kumot at lubid ang ginamit ng mga pugante sa kanilang pagtakas matapos lagariin ang rehas na bakal ng bintana ng kanilang selda.
Powered By Blogger