Sunday, July 22, 2007

Villar, sigurado na bilang Senate pres.



Ulat ni Fonsi Elca
FRIDAY · July 20, 2007

Malaki ang posibilidad na manatili sa kanyang puwesto si Senate President Manuel Villar ngayong papasok na 14th Congress sa Senado matapos itong makakuha ng maraming kasangga sa hanay ng mga senador.
Sa isang press conference, inihayag ni Sen. Rodolfo Biazon na may sapat na bilang na si Villar para muling masungkit ang pinakamataas na puwesto sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
Samantala si Sen. Jinggoy Estrada umano ang napipisil na maging senate president pro-tempore.
Sa pagbubukas ng sesyon sa darating na Lunes, isasagawa ang pormal na botohan para sa pipiliing pangulo ng senado.
Powered By Blogger